Lalaki umakyat sa billboard, nagtangkang mag-suicide
March 14, 2006 | 12:00am
Isang tricycle driver ang nagtangkang magpakamatay matapos na umakyat sa may 50 talampakang billboard upang mapagbati umano ang kanyang mga magulang na may 11-taon nang hiwalay, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Subalit hindi na natuloy ang tangkang pagtalon ni Michael Benzon, 26, ng F. Mariano St., Brgy Dela Paz ng lungsod matapos ang may tatlong oras na negosasyon ng mga nagrespondeng kagawad ng pulisya.
Sa ulat, naganap ang tangkang pagpapakamatay ng biktima dakong alas-11 ng gabi ng akyatin nito ang mataas na billboard sa kahabaan ng Marcos Hi-way sa Brgy. Dela Paz.
Agad namang rumesponde ang mga kagawad ng Pasig Police at mga bumbero upang pakiusapan si Benzon na huwag ng ituloy ang balak na pagpapakamatay at napababa din ito buhat sa itaas matapos ang may tatlong oras na negosasyon.
Napag-alaman na kaya tinangkang magpakamatay ng biktima ay upang mapagsamang muli ang naghiwalay na mga magulang para muling mabuo ang kanilang pamilya. Nakatakda namang ipasuri sa doktor ang biktima upang mabatid kung mayroon itong diperensiya sa pag-iisip. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended