Marijuana cakes, cookies kalat na
March 14, 2006 | 12:00am
Nagbabala ngayon ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko ukol sa pagkalat ng mga cakes at cookies na may sangkap na marijuana na bagong modus-operandi ng sindikato ng ilegal na droga.
Sa isinagawang pulong balitaan kahapon sa NBI headquarters, sinabi ng isang opisyal ng PDEA na may ulat tungkol sa bagong modus operandi ng mga sindikato na haluan ng marijuana ang sangkap ng mga cake at cookies na siyang ibinebenta ngayon sa mga drug user.
Sinabi nito na may sangkap na katas ng damong marijuana ang inihahalo sa ibang sangkap ng cakes at cookies. May mga ulat na may mga bentahan na umano ng marijuana cake at cookies sa ilang lugar sa Olongapo City at Pampanga.
Sinabi naman ni NBI Officer-in-Charge Atty. Nestor Mantaring na nagsasagawa pa sila ngayon ng beripikasyon sa naturang ulat upang makumpirma ito at magsagawa ng operasyon laban sa sindikatong nasa likod ng operasyon.
Ang naturang pag-imbento ng ibang paraan ng sindikato ay upang maibenta ng mas palihim ang kanilang droga. Ito ay dahil na rin sa mahigpit na kampanya ng ibat ibang law enforcement sa ilegal na droga.
Kaugnay nito, nadakip ng NBI at PDEA ang isa sa pinakamalaking supplier ng marijuana sa Metro Manila. Kinilala ang suspect na si Elson Langpaw, 26, magsasaka at tubong Wangwang, Tinoc, Ifugao.
Inaresto si Langpaw sa isang bus terminal sa Sampaloc, Maynila at nakumpiska rito ang may 15 malalaking bricks ng marijuana.
Inamin naman nito na may dalawang taon na siyang nagdedeliber ng marijuana sa Metro Manila. Ang bawat isang brick ay nagkakahalaga umano ng P5,000. Sinabi pa nito na sa isang drug trafficker sa Mt. Province at Benguet na may malawak na plantasyon ng marijuana siya kumukuha ng damo. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest