^

Metro

Sa modernisasyon ng SBMA, pag-unlad tiniyak

-
Tiniyak ng bagong pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na malaki ang maitutulong ng ginagawang $215- milyon Subic Bay Port Development Project sa mabilis na pag-unlad sa Central Luzon.

Ito naman ang nabatid kina SBMA Chairman Feliciano Salonga at Administrator Armand Arreza sa ginanap na forum sa Mario’s Restaurant sa Tomas Morato kahapon.

Ayon sa dalawang opisyal, ang pangunahing infrastructure development na pinondohan ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) ay lalo pang magpapa-unlad sa rehiyon.

Ipinaliwanag ni Arreza na ang Subic port ay magiging New Global Market dahil ito ang magsisilbing trade scene sa Asia-Pacific region.

Bukod sa port project, ang Subic-Clark toll road ay maglalaan din ng alternatibong ruta at daan upang hindi makadagdag ng pagsisikip sa Metro Manila. Dahil dito, walang dapat na ikatakot o ikabahala ang mga nais mamuhunan sakaling matapos ang proyekto. (Doris Franche)

ADMINISTRATOR ARMAND ARREZA

CENTRAL LUZON

CHAIRMAN FELICIANO SALONGA

DORIS FRANCHE

INTERNATIONAL COOPERATION

JAPAN BANK

METRO MANILA

NEW GLOBAL MARKET

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

SUBIC BAY PORT DEVELOPMENT PROJECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with