Call center training hiling isama sa kurso
March 13, 2006 | 12:00am
Isinusulong ni Quezon City 2nd district Councilor Winston Castelo ang isang resolusyon na naglalayong isama ang call center training sa kursong Information and Communication Technology (ICT) sa Polytechnic University of Quezon City (PUQC).
Ayon kay Castelo, ang kanyang hakbang ay bunsod na rin ng lumalawak na pangangailangan ng mga call center hindi lamang sa lungsod kundi sa buong bansa.
Sinabi ni Castelo na ang information technology ay isa sa mga tagatulak ng pag-unlad ng lipunan at ekonomiya.
Ipinaliwanag nito na sakaling may sapat na training para sa call center agent ang mga graduates hindi na mahihirapan pang sumabak ang mga ito sa mga pagsubok ng papasukang kompanya.
Ito na rin ang magiging solusyon upang unti-unting maibsan ang mataas na unemployment rate ng bansa. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest