^

Metro

Backwages at cash incentives ng MMDA personnel, malabo pa rin

-
Mabibitin ang pasuweldo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga personnel kapag inuna ng ahensiya ang pagbabayad sa mga backwages at cash incentives na hinihiling ng mga ito sa management.

Bagamat nagkaroon na ng agreement sa pagitan ng management at empleyado ng MMDA, pinangangambahan pa rin ng mga kawani na tuluyang hindi na maibigay sa kanila ang benepisyo na dapat ay sa kanila.

Nag-ugat ang agam-agam ng MMDA personnel na epektado sa nasabing isyu nang sambitin ni MMDA Assistant General Manager Eduardo Fainsan na idedetermina ang halaga ng mga bayarin depende sa magiging savings ng ahensiya sa taong kasalukuyan.

Partikular na tinuran ni Fainsan ang demand ng mga street sweepers at traffic aides dahil ang pagkukunan nito ay nakasalalay sa pondo ng MMDA lalo pa nga at halagang P30,000 sa 4,000 kawani ang umaasa na tatanggap ng benepisyo.

Ayon sa mga opisyal ng Sanggunian ng Kawani’t Manggagawa at Mamamayan sa Kamaynilaan o SAKAMAY, karamihan sa mga empleyado ng MMDA ay naipautang na nang may tubo ang kanilang pera bunsod ng labis na pangangailangan gayong hindi pa nila hawak ang salapi na umano’y pinaghirapan na ay hirap pa silang kumolekta.

Kasama ni Fainsan ang pitong miyembro ng binuong MMDA panel at ng legal service chief na si Atty. Emmanuel de Castro na bumalangkas at nagsagawa ng negosasyon para resolbahan ang collective negotiation agreement na isinasamo ng SAKAMAY sa management. (Lordeth Bonilla)

ASSISTANT GENERAL MANAGER EDUARDO FAINSAN

AYON

BAGAMAT

EMMANUEL

FAINSAN

KAMAYNILAAN

LORDETH BONILLA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MMDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with