1 suspect sa San Pablo masaker, timbog
March 11, 2006 | 12:00am
Isa sa apat na miyembro ng robbery gang na nagmasaker sa apat katao sa isang insidente ng panghoholdap sa San Pablo, Laguna ang nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Nakilala ang nadakip na si Rexzon Cosico Hizon, 27, ng 31 Barleta St., San Pablo City. Pinaghahanap pa ang tatlong kasamahan nito.
Si Hizon ay itinuturong isa sa namaril at nakapatay sa mga biktimang sina Arnold Monecla, John Andrew Cerujano, Jimson Vergara, Blas Melvin Dequina at pagkakasugat kina Aldwin Villaruel at Joey Albert Belen, pawang mga residente ng Mariflor Subdivision sa San Pablo City.
Sa ulat na isinumite ng Laguna District Office, naganap ang krimen noong hatinggabi ng Enero 10. Nakaistambay ang mga biktima matapos na manood ng isang concert nang dumating ang apat na suspect na armado ng mga baril at tinutukan ang mga biktima.
Agad na kinuha ng mga suspect ang mga mahahalagang gamit ng mga biktima ngunit nanlaban ang biktimang si Monecla na agad na binaril sa likod. Ilang sandali pa ay pinaulanan na ng bala ng baril ng mga holdaper ang mga biktima sanhi ng pagkamatay ng apat.
Nahaharap sa kasong robbery with multiple homicide at double frustrated homicide si Hizon sa San Pablo Prosecutors Office. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended