Market official binoga, patay
March 10, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 31-anyos na opisyal ng Pasig Public Market makaraang pagbabarilin nang malapitan ng nag-iisang suspect, habang isa pang matandang babae ang nadamay na nasugatan, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Hindi na umabot nang buhay sa Rizal Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Hilario Ampurinquez, administrative staff sa nasabing palengke, habang kasalukuyan ding nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan si Agrepina Anbaloc, 65, matapos itong tamaan ng ligaw na bala sa kanang pige.
Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya para sa pagkakaaresto ng suspect na nakilala lamang sa alyas na Balite, nagtatrabaho rin sa palengke.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:55 ng gabi sa nasabing palengke na matatagpuan sa Bolante Brgy. Palatiw ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na nakatayo ang biktima nang bigla itong lapitan ng suspect at pagbabarilin ng ilang ulit, nadamay naman si Anbaloc ng tamaan ito ng ligaw na bala habang nagtitinda malapit sa lugar ng insidente.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect patungo sa hindi batid na lugar.
Ayon sa pulisya, posibleng malaki ang galit ng suspect sa biktima dahil sa klase ng ginawa nitong pagpatay subalit hanggang ngayon ay blanko pa rin ang pulisya kung ano ang motibo sa naturang pamamaril. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am