Gabby Lopez isasabit pa rin sa Ultra
March 10, 2006 | 12:00am
Hindi pa rin ligtas sa anumang kaso si ABS-CBN owner Eugenio "Gabby" Lopez kaugnay sa naganap na Ultra stampede.
Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, patuloy pa rin na pag-aaralan ng Deparment of Justice (DoJ) ang mga isinumiteng dokumento ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakalawa kung saan dito umano makikita kung isasabit din sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide si Lopez.
"Anyway, if you consider the case of reckless imprudence resulting to multiple homicide, the owner is always liable solidarily," ani pa ni Gonzalez.
Ipinaliwanag pa ni DOJ chief na posible ring magkaroon pa ng ilang pagbabago hinggil sa naturang kaso.
"Posibleng madagdagan o mabawasan ang mga taong kakasuhan o tumaas ang kasong isasampa sa ilang tao," dagdag pa nito.
Kasabay nito, ipinalabas na rin ng DOJ ang subpoena laban sa 17-kataong sinampahan ng naturang kaso.
Inaatasan ang mga ito na dumalo sa unang preliminary investigation sa March 20, ganap na alas-10 ng umaga sa DOJ.
Sa naturang petsa ay inaasahan naman ng prosecution na maghahain na ang mga ito ng kani-kanilang counter affidavit.
Samantala, sinabi naman ni Senior State Prosecutor Leo Dacera, chairman ng DOJ panel of prosecutors, kailangan muna nilang pag-aralang mabuti ang mga kasong isinampa laban sa 17 indibiduwal.
Magugunitang inirekomendang kasuhan ng NBI sina Charo Santos-Concio, executive vice-president for entertainment ng ABS-CBN; ang host ng show na si Willie Revillame; chief security Rene Luspo; Socorro Vidanes; Marilou Almaden; Martin Stewart; James Nueva; Herbert Vidanes; Francisco Rivera; Mel Feliciano; Christian Garcia; Engr. Jess Belardo; Chito Payumo at iba pa.
Pinasasampahan din ng kasong administratibo si Pasig City Mayor Vicente Eusebio dahil sa kabiguan nitong atasan ang ABS-CBN ng comprehensive security plan bilang paghahanda sa malaking crowd na inaasahang dadalo sa anibersaryo ng programang Wowowee.
Malugod namang tinanggap ni Mayor Eusebio ang kasong administratibo na isinampa sa kanya sa tanggapan ng DILG para na rin umano mabigyan siya ng pagkakataong maipaliwanag ang kanilang panig at malinis ang kanyang pangalan sa isyu.
Dagdag pa ni Eusebio na inaasahan niyang magiging parehas ang gagawing paglilitis dahil naniniwala siya sa umiiral na justice system sa bansa. (Dagdag na ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am