Bus terminal nasunog: 4 sugatan
March 8, 2006 | 12:00am
Apat katao ang sugatan makaraan ang sunog na naganap sa bus terminal sa Cubao, Quezon City, kahapon ng madaling araw. Nakilala ang mga biktima na sina Tony Santos, 24; Nelson Fernandez, 40; Redem Malpaz, 28 at Richard Sta. Ana na pawang mga konduktor at driver ng Jam Bus Liner na matatagpuan sa Monte de Piedad sa kanto ng EDSA, Quezon City.
Base sa ulat dakong alas- 12:01 ng madaling-araw ng bigla na lamang sumiklab ang apoy mula sa canteen ng naturang bus terminal.
Mabilis na kumalat ang apoy kung saan natupok ang mismong garahe pati ang ilang kantina sa loob na umabot sa 3rd alarm.
Dakong alas-12:40 ng madaling-araw nang maapula ang sunog. Inaalam pa ng mga arson probers kung ano ang posibleng pinagmulan ng sunog. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended