^

Metro

2 lalaki sinalvage sa Maynila

-
Dalawang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang mga biktima ng salvage ang natagpuang nakasilid sa mga sako sa harap ng gate ng isang kompanya sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Inilawaran ang isa sa mga bangkay na nasa pagitan ng edad na 30-35 anyos, 5’4 ang taas, katamtaman ang katawan, may tattoo na "6 balls" sa kanang bisig, nakasuot ng abuhing t-shirt at asul na short pants habang ang isang bangkay naman ay nasa edad 20-25, 5’2 ang taas, payat, may tattoo na "Alfred" sa dibdib at "Sputnik" sa likod, may suot na asul na t-shirt at maong na pantalon.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section natagpuan ang mga bangkay dakong alas-6 ng umaga sa tapat ng gate ng Phil. Manufacturing Corporation sa may 2279 Vitas, Tondo, Maynila.

Ayon sa security guard ng kompanya na si Artemio Tiempo, dakong ala-1 ng madaling-araw nang mapuna niya ang dalawang sako. Hindi naman niya agad pinansin ito dahil sa akala niya ay basura lamang.

Isang basurero naman ang nakadiskubre sa bangkay nang kalkalin ang mga sako sa akalang mapapakinabangan ang laman nito pero laking gulat ng makitang patay na tao ang nasa loob nito.

Sa imbestigasyon, binalot ng masking tape ang buong mukha ng dalawang biktima, nakatali ang mga kamay at nasawi sa mga tusok ng ice pick sa kili-kili. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ARTEMIO TIEMPO

AYON

DALAWANG

DANILO GARCIA

HOMICIDE SECTION

INILAWARAN

ISANG

MANUFACTURING CORPORATION

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with