Salisi Gang umariba, bank employee biniktima
March 6, 2006 | 12:00am
Isang babae na miyembro ng notoryus na Salisi Gang ang pinaghahanap ng pulisya matapos na biktimahin nito ang isang empleyada ng banko, kamakalawa sa Mandaluyong City.
Ayon kay Sharon Castañeda, 27-anyos, Human Resource personnel ng Banco de Oro at residente ng #52 Pluto St., Greenland Village, Rosario, Pasig City na dakong ala-1:35 ng hapon nang mangyari ang insidente sa loob ng kanyang tanggapan sa nasabing banko na matatagpuan sa #12 ADB Avenue, Ortigas Center, Pasig City.
Iniwanan ng biktima sa kanyang lamesa ang kanyang wallet na naglalaman ng ibat ibang klase ng credit cards upang tumawag sa telepono na di kalayuan sa kanyang lamesa.
Nagulat na lamang ang biktima nang pagbalik nito sa kanyang lamesa ay wala na ang wallet. Nalaman lamang nito na isang babae ang kumuha sa kanyang wallet na nagtangkang gamitin ang kanyang credit cards sa isang mall.
Hindi umano pinayagan ng mall ang nasabing babae na gamitin ang credit card makaraang mabisto na pinatungan lamang nito ang larawan ng tunay na may-ari nito.
Napag-alaman pa sa pulisya na marami ng naging biktima ang suspect at karamihan sa mga ito ay namamasukan sa Ortigas Center at ang deskripsyon ng suspect ang inilalarawan ng mga ito sa pulisya. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended