Ex-SAF todas sa sumpak

Agad na nasawi ang isang dating miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) makaraang barilin ito ng sumpak ng isang lalaki habang ang una ay naglalakad sa isang madilim na kalsada, kahapon ng madaling-araw sa Quiapo, Maynila.

Patay na nang isugod sa University of Sto. Tomas Hospital ang biktimang si Robinson Garcia, residente ng San Diego St., Sampaloc ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang suspect na kinilala lamang sa pangalan na JR Merchaendez na residente umano ng Castillejos, Quiapo, Maynila na itinuturo ng helper ng biktima na si Mark Ian na siyang responsable sa pamamaril sa biktima. Sa ulat, alas-12:30 ng madaling- araw nang mangyari ang insidente sa nabanggit na lugar. (Danilo Garcia)

Show comments