^

Metro

Valenzuela open dumpsite hindi isasara

-
Inisnab ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City ang kautusan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), na isara ang open dumpsite ng nabanggit na lungsod dahil sa kawalan umano ng budget para sa closure nito at kawalan na rin ng lugar na pagtatapunan ng mga basura dito.

Ayon sa tanggapan ng Public Order and Safety Management Office (POSMO) ng Valenzuela City, mas nanaisin pa nilang kasuhan ng MMDA sa paglabag ng kautusan ng nasabing tanggapan kesa sa bumaho ang buong lungsod kapag isinara ang open dumpsite.

Ang kakapusan din umano ng budget ay isa sa mga dahilan ng hindi pagsunod ng Valenzuela City sa MMDA.

"We do not want the dumpsite to be closed because of the high maintenance cost... the actual closure needs millions of money and the city has no budget for that," pahayag ni Roberto Darilag, hepe ng POSMO.

Nabatid na isang kautusan ang ipinalabas ng MMDA para sa lahat ng lokal na pamahalaan ng Metro Manila na isara ang lahat ng open dumpsites sa kanilang kinasasakupan simula noong Pebrero 16, 2006 at sundin ang Ecowaste Law na nag-uutos sa pansamantalang pagsasara ng mga open dumpsites sa loob ng anim na taon.

Napag-alaman na ang 11 ektaryang open dumpsites ng Valenzuela City ay makikita sa Barangay Lingunan ng nabanggit na lungsod at ang nasabing lote ay isang private property.

Mas nakakatipid umano ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela City sa paggamit ng naturang dumpsites kesa sa pagdadala ng kanilang mga basura sa mga sanitary landfills tulad ng Rodriguez at Clark sa Pampanga. (Rose Tamayo Tesoro)

AYON

BARANGAY LINGUNAN

CITY

ECOWASTE LAW

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PUBLIC ORDER AND SAFETY MANAGEMENT OFFICE

ROBERTO DARILAG

ROSE TAMAYO TESORO

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with