QC encounter: Tulak dedo, parak kritikal
March 6, 2006 | 12:00am
Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang isang tulak ng ipinagbabawal na droga, habang malubha namang nasugatan ang isang pulis-QC makaraan ang isang engkwentro sa pagitan ng operatiba ng pulisya at grupo ng mga drug pushers, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Dead on the spot ang suspect na nakilala lamang sa alyas na "Manila Boy" sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo nito.
Kasalukuyan namang inoobserbahan sa pagamutan si PO2 Joseph Ortiz, nakatalaga sa QCPD-District Anti-Illegal Drugs (DAID), makaraang mabaril ito ng grupo ng suspect sa kaliwang dibdib nito malapit sa kanyang puso.
Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa #54 Luzon Avenue, AFP Road, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
Base na rin sa ulat, papasok pa lamang ang raiding team ng DAID sa nasabing compound para sa isang buy bust operation nang bigla na lamang silang salubungin ng mga putok ng baril mula sa grupo ng suspect sanhi upang tamaan sa dibdib si Ortiz.
Agad namang gumanti ng putok ang operatiba at matapos ang ilang minutong palitan ng putok ay nakita na lamang na duguang nakahandusay at wala ng buhay ang nabanggit na suspect, habang nakatakas naman ang iba pa nitong mga kasamahan. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am