Teehankee sinaksak sa Bilibid
March 5, 2006 | 12:00am
Malubhang nasugatan ang presong si Claudio Teehankee Jr. makaraang saksakin ito ng kapwa inmate dahil naasar umano ang huli sa pagiging mukhang Intsik ng una, kahapon ng hapon sa maximum security compound ng New Bilibid Prisons (NBP), Muntinlupa City.
Isinugod kaagad sa Asian Hospital ang naturang biktima sanhi ng saksak nito sa kaliwang likuran ng katawan buhat sa isang improvised bladed weapon.
Inilagay naman sa isolated area ng naturang bilangguan ang suspect na si Benjamin Ocampo, hindi nabanggit ang kaso nito.
Sa report na nakarating kay Bureau of Corrections director Vicente Vinarao, naganap ang insidente dakong ala-1:15 ng hapon sa maximum security compound ng nabanggit na bilangguan.
Hinatid ni Teehankee ang isang bisitang dumalaw sa kanyang selda at siya namang pagdaan ng suspect na si Ocampo.
Walang sabi-sabing inundayan ito ng saksak sa likuran ni Ocampo hanggang sa magresulta na ng komosyon.
Kaagad na isinugod sa nabanggit na pagamutan si Teehankee ng ilang staff ng NBP.
Nabatid na kaya sinaksak ang biktima ay dahil asar umano si Ocampo sa mga taong mukhang Intsik kung kayat nang makita niya si Teehankee ay kanya itong napagtripan.
Napag-alaman pa rin na si Ocampo ay may kaunting diperensiya umano sa pag-iisip dahil sa pagkakaroon nito ng depression. Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing kaso. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended