Holdaper todas sa parak
March 5, 2006 | 12:00am
Patay ang isang hinihinalang holdaper, habang sugatan naman ang isang intelligence officer ng Manila Police District (MPD) makaraang magtangkang mang-agaw ng baril ang una sa kasamahang pulis ng huli sa isang follow-up operation kahapon umaga sa Tondo, Maynila.
Namatay habang ginagamot sa ospital ang suspect na si Roger Balagat, 35, ng Marikina City sanhi ng tama ng bala sa dibdib, habang nilalapatan naman ng lunas sanhi ng tinamong tama ng bala sa tiyan si Inspector Oliver Lusero, nakatalaga sa District Police Intelligence Unit ng Maynila Police.
Sa ulat ni Det. Benito Cabatbat ng homicide division, naunang naaresto ang suspect at kasamang sina Ilen Manipol at Jesus Cabaluna dakong alas-4 kamakalawa ng hapon sa kasong panghoholdap.
Sinasabing matapos na maaresto ay nakatakas sina Manipol at Balagat matapos na mailabas ang nakatago nilang baril at ipinutok kay Lusero.
Dahil dito, nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis sa pinagkukutaan ng mga suspect sa Marikina City na nagresulta sa pagkakaaresto muli kay Balagat dakong ala-1 ng madaling-araw.
Subalit nang pabalik na sa MPD headquarter ang mga ito ay napag-alaman na iihi ang suspect pagdating nila sa madilim na bahagi ng Pier 12. Doon din nito tinangkang agawin ang baril ng bantay niyang si PO2 Jolly Aliangan kung kaya napilitan na itong barilin ng iba pang pulis na naging sanhi ng kanyang kamatayan. (Gemma Amargo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended