^

Metro

Jeepney operator natusta sa sunog

-
Natusta ang katawan ng isang jeepney operator, habang malubhang nasugatan ang kasambahay nito sa sunog na tumupok sa dalawang palapag ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Umaga na nang matagpuan ng mga tauhan ng Manila Fire Department ang bangkay ng biktimang si Rolando Sarmiento, 53, jeepney operator ng 511 Esguerra St., Tondo, Maynila.

Kritikal naman ang kasambahay nito na si Ferdinand Bulusan, 39, na kasalukuyang ginagamot sa Philippine General Hospital.

Sa ulat ni SFO1 Wilson Tana, arson investigator, lumitaw na ang sunog ay nagsimula dakong ala-1:06 kahapon ng madaling-araw sa likurang bahagi ng pinto sa unang palapag ng bahay ng mga biktima.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at naapula lamang dakong ala-1:33 ng madaling-araw.

Hindi na umano nakalabas ng kanyang kuwarto si Sarmiento na natagpuan na lamang ng mga awtoridad kahapon ng umaga malapit sa kanyang higaan.

Sinasabing nagawa naman umanong makatalon ni Bulusan mula sa ikalawang palapag ng bahay, gayunman 90 porsiyento pa rin ng katawan nito ang nalapnos dahil sa sunog. Hindi pa rin matiyak kung ano ang posibleng pinagmulan ng sunog. (Gemma Amargo Garcia)

vuukle comment

BULUSAN

ESGUERRA ST.

FERDINAND BULUSAN

GEMMA AMARGO GARCIA

KRITIKAL

MANILA FIRE DEPARTMENT

MAYNILA

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

ROLANDO SARMIENTO

WILSON TANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with