TUP student patay sa hazing
March 5, 2006 | 12:00am
Isang mechanical engineering student ng Technological University of the Philippines (TUP) ang nasawi sa hazing na isinagawa ng umanoy inaniban nitong fraternity kahapon ng umaga sa Makati City.
Patay na nang idating sa Manila Sanitarium Hospital ang biktimang si Clark Silverio, 18, ng 153 David St., Pasay City sanhi ng tinamong mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan makaraang gulpihin at paghahatawin ito.
Nakilala naman ang suspect na si Edmar Gipan, 18, ng 2359 Jasmin St., Malate, Manila, 1st year college mechanical engineering student din sa TUP.
Sa paunang ulat, dakong alas-5 ng umaga nang matagpuan ang duguan at nakabulagtang biktima ng isang nagpakilalang concerned citizen sa may panulukan ng Vito Cruz Extension at ABC St., Brgy. San Antonio Village, Makati City kaya agad itong dinala sa nabanggit na pagamutan.
Gayunman, patay na ito nang idating sa ospital, pinigil ng guwardiya ang nagdala na di naglaon ay nakilalang si Gipan kasama ang iba pang kasamahan sa fraternity na mabilis namang nagsitakas na.
Dahil sa findings na posibleng namatay sa bugbog o hazing ang biktima ay napigilan si Gipan na ngayon ay sumasailalim sa interogasyon ng pulisya.
Malaki rin ang hinala ng pulisya na sumailalim si Silverio sa hazing at napuruhan ito na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Inaalam pa kung anong grupo ng fraternity ang sangkot sa insidente, habang patuloy na pinaghahanap ang iba pang kasamahan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended