^

Metro

5 parak sinibak

-
Sinibak sa puwesto ni Quezon City Police District director Chief Supt. Nicasio Radovan Jr., ang limang pulis ng Batasan Police Station- Police Community Precinct 5 matapos na ireklamo ng isang empleyado ng ITP Construction ng panggugulpi at panghoholdap, kahapon ng madaling-araw sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Kinilala ang mga sinibak na pulis na sina Senior Inspector Ronaldo Lumactod Jr.; PO2 Florante Canape; PO2 Wilfred Macatangay; PO2 Antonio Peneyra at PO3 Alfredo Talatad.

Ayon sa biktima na si Mercilito Buan, 25, dumadaan siya sa harap ng Gotesco Mall dakong alas-2 ng madaling-araw nang bigla siyang lapitan at pagtripang kaladkarin ng mga pulis bago dinala sa presinto.

Dito ay pinagpapalo siya ng baril sa ulo at sapilitang kinuha ang kanyang pera na P6,500 at cellphone. Matapos ito ay hinayaan siyang umalis ng presinto hanggang ipasya naman niyang humingi ng tulong sa mga mamamahayag at sa General Assignment ng QCPD.

Positibong itinuro ni Buan sa photo gallery ang mga nabanggit na pulis. Ang mga ito ay itatalaga sa Administration Holding Center habang iniimbestigahan sa kasong administratibo at kriminal. (Doris Franche)

ADMINISTRATION HOLDING CENTER

ALFREDO TALATAD

ANTONIO PENEYRA

BATASAN POLICE STATION

CHIEF SUPT

COMMONWEALTH AVENUE

DORIS FRANCHE

FLORANTE CANAPE

GENERAL ASSIGNMENT

GOTESCO MALL

MERCILITO BUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with