^

Metro

Carnappers kumana uli sa QC

-
Dinoble ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang kanilang checkpoint laban sa mga carnapping syndicate matapos na mabiktima ang isang dentista kamakalawa ng gabi sa lungsod.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan Jr., pinahihigpitan pa rin niya ang checkpoints sa ilang lugar na posibleng pagsagawaan ng operasyon ng mga sindikato palabas ng lungsod.

Kamakalawa ay nagreklamo si Dr. Romeo Atienza, 35, ng Maligaya Park Subdivision, Quezon City nang tangayin ang kanyang Isuzu Crosswind habang nagsisimba sa St. Peter Parish Church sa Commonwealth Avenue.

Bandang alas-8 ng gabi nang pumasok ng simbahan ang biktima pero paglabas nito pasado alas-9 ng gabi ay wala na ang inihimpil na Crosswind XUV na may plakang XRA-869.

Wala namang matukoy ang bystander sa kung sino ang responsable sa pag-carnap ng sasakyan ni Atienza.

Sinabi ni Radovan na ang Isuzu Crosswind ay isa sa mga target ngayon ng sindikato na masusi namang minamanmanan ng mga awtoridad. Itinanggi naman nito na carnapping capital pa rin ang QC sa pagsasabing bumaba na ang insidente ng carnapping sa loob ng dalawang buwan. (Doris Franche)

CHIEF SUPT

COMMONWEALTH AVENUE

DORIS FRANCHE

DR. ROMEO ATIENZA

ISUZU CROSSWIND

MALIGAYA PARK SUBDIVISION

NICASIO RADOVAN JR.

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

ST. PETER PARISH CHURCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with