Utak ng shabu tiangge sa Pasig tukoy na
March 3, 2006 | 12:00am
Natukoy na ng pulisya ang utak o supplier ng shabu na ibinebenta sa sinalakay na tiangge ng shabu sa Pasig City.
Ayon kay Anti-Illegal Drugs Special Task Force chief Marcelo Ele Jr. na isang Chinese national ang siyang supplier ng shabu na ibinebenta sa loob ng Mapayapa Compound, Brgy. Sto. Tomas, Pasig City.
Subalit maliban sa sinabi ni Ele na nagtatago na ang suspect sa labas ng Metro Manila ay hindi na siya nagbigay ng iba pang impormasyon upang hindi umano masira ang ginagawang follow-up operation sa posibleng agarang pagkakadakip dito.
Bukod sa pagbubunyag sa utak ng shabu tiangge ay sinabi rin ni Ele na sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon at dagdag pa nito na hindi pa lusot sa kaso si Pasig City Mayor Vicente Eusebio.
Dagdag pa ni Ele, umaabot sa dalawang kilo ng shabu ang naibebenta sa mga kustomer ng tiangge sa loob lamang ng isang araw.
Matatandaang noong nakaraang Pebrero 10 ay sinalakay ng AIDSOTF ang nasabing compound matapos na makakuha ng impormasyon na ginagawang palengke ng shabu ang lugar na kinatitirikan ng mahigit 50 barung-barong na nakatayo rito.
Naaresto sa nasabing pagsalakay ang 312 katao na kinabibilangan ng 50 menor-de-edad at kababaihan at nakumpiska ang umaabot sa isang kilo ng shabu sa mga kabahayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest