2 sepulturero nang-rape ng tomboy, arestado
March 3, 2006 | 12:00am
Nahulog kahapon sa kamay ng pulisya ang dalawa sa apat na sepulturero na dumukot at nang-gang rape sa isang tomboy sa Caloocan City.
Kinilala ni NPD Director Police Chief Supt. Leopoldo Bataoil ang mga naaresto na sina Edgardo dela Cruz, 39; Edgardo dela Cruz, 43; na pawang mga sepulturero ng La Loma cemetery sa 3rd Avenue, Rizal Ext., nabanggit na lungsod.
Isang manhunt operation naman ang kasalukuyang isinasagawa ng pulisya laban sa dalawa pang suspect na nakilala lamang sa mga alyas na "Roger" at "Nono".
Batay sa naging pahayag sa pulisya ng biktima na itinago sa pangalang Linda, 23, Pebrero 26, 2006 nang abangan siya ng mga suspect sa loob ng nasabing sementeryo at halinhinang pinagtulungang ginahasa ng mga ito.
Bukod pa rito ay sapilitan pa umano siyang pinasinghot ng mga suspect ng shabu at tatlong araw na ikinulong at pinagtulungang pinagsasaan ng mga huli sa tinitirahan ng mga ito sa loob ng sementeryo.
Ilang concerned citizen naman ang nakapagsumbong sa ina ng biktima na agad namang humingi ng tulong sa pulisya.
Agad na isinagawa ng operatiba ang pagsalakay laban sa mga suspect at nabawi ang biktima na nagbunga rin sa pagkakaaresto ng nabanggit na dalawang suspect, habang nakatakas naman ang dalawa pa. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended