^

Metro

Army reservist dedo sa holdap

-
Isang 36-anyos na Army reservist ang nasawi makaraang barilin ito sa ulo ng isa sa tatlong holdaper na nangholdap sa sinasakyan FX taxi ng una, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Nakilala ang nasawi na si Ricardo Siuagan, PA reservist at pansamantalang nagtatrabaho sa Ateneo de Manila University bilang maintenance crew, samantala agad namang tumakas ang tatlong armadong suspects matapos makuha ang mahahalagang gamit ng iba pang pasahero at mabaril ang biktima.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:05 ng gabi ng sumakay ang mga suspect at nagpanggap na pasahero sa Isuzu Highlander taxi na minamaneho ni Rolly Riego sa harap ng Sta. Lucia Mall sa kahabaan ng Marcos Hi-way.

Habang tinatahak ang F. Fernando sa Brgy. San Roque ay nagpahayag ng holdap ang mga suspect at isa-isang nilimas ang mahahalagang gamit ng mga pasahero.

Nang makita ng isa sa mga suspect na may baril si Siuagan ay mabilis itong binaril ng malapitan sa ulo na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.

Isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya laban sa mga suspects. (Edwin Balasa)

EDWIN BALASA

ISANG

ISUZU HIGHLANDER

LUCIA MALL

MANILA UNIVERSITY

MARCOS HI

MARIKINA CITY

RICARDO SIUAGAN

ROLLY RIEGO

SAN ROQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with