^

Metro

Ginang kritikal sa hired killer

-
Agaw-buhay sa pagamutan ang isang 49-anyos na ginang makaraang apat na beses saksakin ng isang hired killer na inupahan ng kanyang asawa, kamakalawa ng hapon sa Mandaluyong City.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Victor Potenciano Medical Center sanhi ng tinamong apat na saksak sa katawan ang biktimang si Emma Gapido Losbanes, ng Magdalene St., Green Valley Compound, Las Piñas City.

Agad namang nadakip ang suspect na si Joeffrey Cuarte, 45, ng Old Balara, Las Piñas City.

Ayon kay P02 Mathias Silva Jr., may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-12:05 ng tanghali sa kahabaan ng Reliance St sa kanto ng Edsa sa Mandaluyong.

Nabatid na galing sa hearing ang biktima kasama ang kanyang kapatid sa Pasig Regional Trial Court hinggil sa isinagawang pagdinig sa kasong bigamy at falsification of public document na isinampa nito laban sa asawang si Leo Losbanes.

Habang naghihintay ng masasakyang taxi ang magkapatid ay biglang sumulpot ang suspect na armado ng patalim at pinagsasaksak si Emma at pagkatapos ay tumakas sakay ng Lancer na may plakang TSE-843 na sadyang naghihintay sa kanya at makalipas ang ilang metrong takbo ay mabilis namang bumaba sa nasabing sasakyan at saka lumipat ng pampasaherong bus.

Mabilis namang nakaresponde ang pulisya at hinabol ang sinakyang bus ng suspect at nadakip ito sa Cubao, Quezon City.

Sa isinagawang interogasyon ng pulisya, napag-alaman na inupahan ang suspect ng mister ng biktima para patayin ang huli subalit hindi naman sinabi ang dahilan.

Nakuha sa suspect ang isang cellphone na naglalagay ng mga text messages ni Leo Losbanes at nakarekord din doon ang ilang tawag at kung kailan.

Dahil dito, isang manhunt operation ang isinagawa ng pulisya laban kay Leo na napag-alamang nagtatago na sa mga oras na ito. (Edwin Balasa)

EDWIN BALASA

EMMA GAPIDO LOSBANES

GREEN VALLEY COMPOUND

JOEFFREY CUARTE

LAS PI

LEO LOSBANES

MAGDALENE ST.

MANDALUYONG CITY

MATHIAS SILVA JR.

OLD BALARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with