^

Metro

8 ‘tulak’ arestado sa Caloocan

-
Nalambat ng mga awtoridad ang walong notoryus na "tulak" ng ipinagbabawal na droga na kinabibilangan ng isang pamilya sa isinagawang pagsalakay ng mga elemento ng Northern Police District (NPD), kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang mga suspect na sina David Bernabe, 47; Rolly Marquez, 21; Andrew Antonio, 26; Jay-R Jaradal, 16; Edzer Borlongan, 26; Edison Borlongan, 24; mag-asawang Dominador, 36; at Joan Crisostomo, 35, na kasalukuyang nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police at nahaharap sa kaukulang kaso.

Nabatid kay P/C Supt. Leopoldo Bataoil na ang mag-asawang Crisostomo ay naaresto sa aktong sumisinghot ng shabu sa loob ng kanilang bahay sa Ph. 4, Package 7, Blk. 59, Lot C, Bagong Silang, Caloocan City.

Nakuha naman sa posesyon ng lima pang suspect ang ilang pakete ng shabu, rugby at ilang drug paraphernalia.

Sinabi pa ni Bataoil na inatasan niya ang kanyang operatiba na magsagawa ng pagsalakay laban sa mga suspect makaraang umapela ang mga residente na sugpuin ang operasyon ng droga sa Caloocan City.

Tuluy-tuloy na rin aniya ang mga pagsalakay na gagawin ng NPD sa mga hinihinalang drug pusher sa kinasasakupan nito.

Nabatid na ang Caloocan City ay isa sa mga "crime prone" areas ng Metro Manila at ang pagtaas ng krimen dito ay dahil na rin umano sa kawalan ng aksyon sa paglaganap ng ipinagbabawal na droga rito. (Rose Tamayo-Tesoro)

ANDREW ANTONIO

BAGONG SILANG

C SUPT

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAVID BERNABE

EDISON BORLONGAN

EDZER BORLONGAN

JAY-R JARADAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with