^

Metro

St. Andrew’s Academy sarado pa rin dahil sa mercury poisoning

-
Nanganganib na mapag-iwanan ang mga estudyante ng St. Andrew’s Academy ng kanilang aralin dahil hanggang sa ngayon ay sarado pa rin ito matapos kumalat ang mercury poisoning dito, may isang linggo na ang nakakalipas sa Parañaque City.

Ayon kay Dr. Agnes Venegas ng National Epidemiology Center, hindi pa rin nalilinis ang mga laboratoryo sa naturang paaralan na natapunan ng kemikal na mercury.

Nilinaw ni Venegas na ang St. Andrew’s ang dapat na kumuha ng serbisyo ng isang private firm na eksperto sa ganitong bagay dahil wala anyang kapasidad at gamit ang DOH para gumawa ng paglilinis.

Hinala ni Venegas na posibleng nag-iipon pa ng pondo ang St. Andrew’s para sa pagpapalinis ng laboratoryo dahil may kamahalan umano ito kung kaya’t patuloy na naantala ang klase ng mga estudyante.

Hindi naman nagbigay ng pahayag si Mrs. Estrelita Neri, principal sa naturang paaralan hinggil sa usapin.

Tungkol naman sa kalusugan ng 106 estudyante na na-expose sa nakalalasong kemikal, sinabi ng DOH na ang local government ang dapat na mag-monitor sa kalagayan ng mga ito. Hindi rin makapagbigay ng impormasyon ang Parañaque Health Office tungkol sa kalagayan ng mga batang na-expose sa mercury noong nakaraang linggo. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

DR. AGNES VENEGAS

HEALTH OFFICE

HINALA

LORDETH BONILLA

MRS. ESTRELITA NERI

NANGANGANIB

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

ST. ANDREW

VENEGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with