^

Metro

Bomb threat pa sa 2 eskuwelahan sa Maynila

-
Binalot ng tensyon ang dalawang paaralan sa Tondo, Maynila matapos na bulabugin ng bomb threats buhat sa mga hindi pa nakikilalang prankster na nagpadala ng mapanlokong text messages sa mga magulang ng mga estudyante.

Nabatid sa pulisya, kamakalawa pa lang ng gabi nang makatanggap ang ilang mga magulang ng mga estudyante sa West Minister High School sa Balut, Tondo na nagsasaad na may itinanim na bomba sa paaralan.

Dahil dito, hindi na pinapasok ng mga magulang ang kanilang mga mag-aaral at inalerto rin ang ibang mga estudyante at pansamantalang itinigil ng mga opisyales ng paaralan ang mga klase.

Ginalugad ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Division ang lahat ng sulok ng paaralan subalit negatibo ito sa anumang uri ng bomba.

Dakong alas-10 ng umaga nang bumalik sa normal ang klase sa paaralan.

Nagkagulo rin naman sa kalapit na West Manila Christian School sa may panulukan ng Zamora at Peñalosa St. nang tumawag ang ilang mga magulang sa EOD na may itinanim rin na bomba sa paaralan.

Matapos ang ginawang paggalugad lumabas na negatibo rin ito sa bomba. (Danilo Garcia)

BINALOT

DAHIL

DAKONG

DANILO GARCIA

EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

GINALUGAD

MATAPOS

WEST MANILA CHRISTIAN SCHOOL

WEST MINISTER HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with