^

Metro

Tipster ng ‘shabu tiangge’, binigyan ng pabuya

-
Binigyan ng pamunuan ng Philippine National Police ng P100,000 ang isang dating overseas Filipino worker na siyang nag-tip sa pulisya ng "shabu tiangge" na sinalakay kamakailan sa Pasig City.

Sa isinagawang simpleng seremonya sa loob ng Camp Crame, mismong si PNP Chief Dir. Gen. Arturo Lomibao ang nagbigay ng reward money sa tipster na sadyang tinakpan ang mukha upang hindi makilala.

Napag-alaman pa na ang tipster, na isa ring drug user na parokyano rin sa Mapayapa compound ang nagsumbong sa tanggapan ni Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (AIDSOTF) chief Gen. Marcelo Ele Jr. matapos na kunin ng isang Dario, maintainer ng droga, ang kanyang cellphone na nagkakahalaga ng P15,000.

Bukod sa tipster ay binigyan din ng parangal si Ele ng Medalya ng Kadakilaan habang medalya naman ng Kagalingan ang iginawad sa mga awtoridad na sumalakay sa den.

Matatandaang noong Pebrero 10 ay sinalakay ng kagawad ng AIDSOTF ang mahigit 50 barung-barong sa Mapayapa compound sa may kahabaan ng F. Soriano St., Brgy. Sto. Tomas ng lungsod na ito na nagsilbing tiangge ng shabu at naaresto rito ang may 312 katao na kinabibilangan ng 50 kababaihan at menor-de-edad at nakakumpiska ng mahigit kalahating kilo ng shabu. (Edwin Balasa)

ARTURO LOMIBAO

CAMP CRAME

CHIEF DIR

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK FORCE

EDWIN BALASA

MAPAYAPA

MARCELO ELE JR.

PASIG CITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SORIANO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with