^

Metro

1,000 kilo ng ‘hot meat’ nasamsam

-
Mahigit sa isang libong kilo ng mga karne ng aso at iba pang hayop na ibinebenta mula sa mga palengke ng Recto at Divisoria ang kinumpiska kahapon ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Base sa Veterinary Inspection Board (VIB) umaabot na sa 1,341 kilos ng mga karne ng aso at iba pa ang kanilang nakumpiska matapos silang makatanggap ng impormasyon na ibinebentra sa naturang palengke ang karne ng mga ito.

Sinabi pa ni City Veterenarian at VIC chairman Jose Diaz na ang mga nakumpiska ay mula sa karne ng mga hayop na namatay dahil sa sakit at hindi sumailalim sa proper meat inspections ng mga awtoridad.

Iginiit pa ni Diaz na ang naturang mga karne ng aso ay ipinagbibili rin sa naturang mga palengke bilang mga karne ng kambing na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan ng taong makakakain nito.

Bunsod nito kaya’t pinayuhan ni Diaz ang publiko na mag-ingat sa pagbili ng karne sa mga palengke at upang makasiguro ay tingnan muna ang meat inspection certificate bilang patunay na malinis at ligtas ang kanilang nabibiling mga karne. (Gemma Amargo Garcia)

vuukle comment

BUNSOD

CITY VETERENARIAN

DIAZ

DIVISORIA

GEMMA AMARGO GARCIA

IGINIIT

JOSE DIAZ

KARNE

VETERINARY INSPECTION BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with