^

Metro

3 kilabot na mandurukot arestado

-
Nahulog sa mga kamay ng alagad ng batas ang tatlong kilabot na babaeng mandurukot makaraang biktimahin ng mga ito ang isang estudyante, kahapon ng hapon sa Caloocan City.

Kasalukuyan na ngayong nakakulong at nahaharap sa kasong robbery ang mga suspect na sina Marilyn Roxas, 25, ng #932 San Antonio St., Tondo, Manila; Susan Zulusta, 36 ng Anak Bayan, Maypajo, Caloocan City at Maria Luz Manansala, 25 at residente ng #501 Punta, Sta. Ana, Manila.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng hapon nang biktimahin ng mga suspect si Yoradyl Joaquin, 18-anyos sa may kahabaan ng Bustamante St., Monumento, Caloocan City.

Nabatid na kasalukuyang naglalakad ang biktima sa pinangyarihan ng insidente nang sabayan at gitgitin ang una ng mga suspect at naramdaman nito na may humahawak sa kanyang bag.

Natuklasan na lamang ng biktima na bukas na ang kanyang bag at nawawala ang kanyang pitaka na naglalaman ng hindi nabatid na halaga.

Agad namang nagsumigaw sa paghingi ng tulong ang biktima na nakaagaw pansin naman sa ilang miyembro ng Reform Department of Public Safety and Traffic Management Group (RDPSTM) at nagawang mahabol ang mga suspect.

Makaraan ang ilang minutong umaatikabong habulan ay nakorner din ang mga suspect.

Nabawi naman sa posesyon ng mga ito ang pitaka ng biktima at napag-alaman pa na matagal ng modus-operandi ng mga suspect ang ganitong gawain dahilan upang mahanay ang mga ito sa mga kilabot na mandurukot na nambibiktima hindi lamang sa Caloocan City kundi maging sa iba pang lugar ng Metro Manila.

Napag-alaman pa na pawang mga kababaihan ang mga miyembro ng mga suspect at kalimitang binibiktima ng mga ito ay mga kababaihan rin.

Mga shopping malls, public market at iba pang mataong lugar ang target ng operasyon ng mga suspect. (Rose Tamayo Tesoro)

vuukle comment

ANAK BAYAN

BUSTAMANTE ST.

CALOOCAN CITY

MARIA LUZ MANANSALA

MARILYN ROXAS

METRO MANILA

REFORM DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

ROSE TAMAYO TESORO

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with