Seguridad mas pinatindi dahil sa coup plot
February 27, 2006 | 12:00am
Daan-daang mga pulis mula sa ibat ibang lalawigan ang ipinadala sa Metro Manila para tumulong sa pangangalaga ng seguridad partikular na sa Malacañang makaraan ang banta ng coup-de-etat laban sa administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ayon kay PNP spokesman P/SSupt. Samuel Pagdilao, kabilang sa mga ipinadalang pulis-probinsya ay ang 250 pulis galing sa Ilocos Sur Regional Police Office na dumating kamakalawa ng gabi, kasunod ng idineklarang State of Emergency ni PGMA.
Maliban dito ay may dagdag pwersa din mula Bicol Region at iba pang bahagi ng Luzon.
Sinabi pa ni Pagdilao na ang daan-daang puwersa ng mga pulis ay bahagi ng pagpapalakas ng seguridad sa Metro Manila na hahatiin sa ibat ibang distrito ng pulisya.
Ang mga ito ay itatalaga rin sa mga chokepoints at checkpoints sa Mertro Manila upang supilin ang banta ng rebelyon at ng iba pang grupong kalaban ng estado.
Kaugnay nito, sinabi naman ni P/Supt. Dionisio Borromeo, contingents officer-in-charge na ang rason ng pagdating ng karagdagang pwersa ng pulisya ay para tumulong sa puwersa ng National Capital Region Office (NCRPO) at bahagi ito ng pagpapalakas ng seguridad upang tiyakin na hindi makakaporma ang mga destabilizers.
Inihayag pa na ang dagdag puwersa ng pulisya ay mananatili sa Metro Manila hanggang may banta ng pag-aklas ng nagsanib na pwersa ng rebeldeng New Peoples Army, mga dismayadong sundalo at maging ng oposisyon.
Samantala, nagmistulang "military camp" naman ngayon ang Mendiola Avenue at iba pang lansangan o lagusan patungong Malacañang dahil sa nakalatag na tatlong uri ng depensa na kinabibilangan ng mga barbed wire, pwersa ng pulisya at mga nakaharang na mga cargo container vans. (Joy Cantos at may dagdag na ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended