^

Metro

P2-M ari-arian tupok sa sunog

-
Tinatayang P2-milyong halaga ng mga ari-arian ang natupok sa naganap na sunog kahapon ng umaga sa Pasay City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasay City Fire Department, nagsimula ang sunog dakong alas-9:03 ng umaga sa ikalawang palapag ng bahay ni Brgy. Chairman Anselmo Aguilar sa panulukan ng Dominga St. at Park Avenue, Pasay City.

Nadamay din bunga ng malakas na apoy ang walong kalapit na bahay nito kung saan mahigit 22 pamilya rin ang pinaniniwalaang naapektuhan ng sunog.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nagkaroon ng short circuit sa bahay ni Aguilar na naging dahilan ng mabilis na pagkalat ng apoy.

Matapos ang halos apat na oras ay saka lamang idineklarang fire-out ng mga bumbero ang nasabing insidente.

Wala namang nasugatan o namatay sa insidente bagama’t patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad. (Lordeth Bonilla)

AGUILAR

BRGY

CHAIRMAN ANSELMO AGUILAR

DOMINGA ST.

LORDETH BONILLA

LUMILITAW

MATAPOS

PARK AVENUE

PASAY CITY

PASAY CITY FIRE DEPARTMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with