^

Metro

Pantalan sa buong bansa todo bantay

-
Pinahigpit na rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagbabantay sa lahat ng pantalan sa buong bansa matapos mapigilan ang isasagawa sanang kudeta laban sa pamahalaang Arroyo kahapon.

Inilagay na ni PCG commandant, Vice Admiral Arturo Gosingan ang lahat ng kanilang daungan at pier sa "red alert" status upang hindi magamit ng mga kalaban ng pamahalaan sa rebelyon.

Nabatid na binabantayan ngayon ng PCG ang posibilidad na gamitin ang mga pantalan at ang karagatan sa pagtatawid ng maaaring mabuong puwersa buhat sa mga probinsiya lalo na sa Mindanao patungong Maynila upang isakatuparan ang pagtataob sa pamahalaan.

Matagal na ring alingasngas na maaaring nakapag-recruit na ng mga sundalo na nakatalaga sa Mindanao ang mga pinuno ng rebeldeng sundalo lalo na’t karamihan sa mga ipinapadala sa mga ito ay mga "Scout Ranger" ng Philippine Army na kinaaaniban nina Brig. General Danny Lim at Philippine Marines na kinaaaniban naman ni Col. Ariel Querubin.

Bukod dito, nagbabantay din ang PCG sa posibilidad na samantalahin din ng ibang grupo tulad ng mga terorista ang kaguluhan sa militar at pamahalaan sa pagsasagawa ng kanilang pagsalakay tulad ng pagpapasabog. Masusi rin ngayong iniinspeksiyon ang mga bagahe at mga cargo ng mga pasahero sa posibilidad na makasabat ng mga armas at iba pang kagamitan na gagamitin sa kudeta. (Danilo Garcia)

ARIEL QUERUBIN

DANILO GARCIA

GENERAL DANNY LIM

MINDANAO

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE MARINES

SCOUT RANGER

VICE ADMIRAL ARTURO GOSINGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with