Lahat ng uri ng rali bawal
February 25, 2006 | 12:00am
Makaraang magdeklara si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng State of Emergency ipinagbawal ang lahat ng uri ng rali.
Kasabay nito ay ipinag-utos ang pagbuwag sa isinagawang kilos-protesta kahapon kaalinsabay sa pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng Edsa People Power Revolution.
"All street rallies are not allowed to prevent any breach of peace," pahayag ni NCRPO chief Director Vidal Querol.
Bago ito, unang nang ipinagbawal ng pulisya ang pagsasagawa ng anumang aktibidades sa harap ng People Power Monument sa Edsa, Quezon City matapos na magdeklara ang pamahalaang lungsod na "no rally zone" ang naturang lugar.
Dahil dito, napilitan naman ang mga raliyista na magtungo sa harap ng Edsa Shrine kung saan ilang minuto rin silang nakapagsagawa ng programa, gayunman napapaligiran na rin sila ng puwersa ng pulisya.
Unti-unting dumarami ang mga raliyista hanggang bago mag-alas-12 ng tanghali nang magbigay ng pahayag si Pangulong Arroyo tungkol sa pagdedeklara ng "State of Emergency".
Matapos ito, sinabi rin ni Presidential Staff Mike Defensor na ipinabubuwag ang lahat ng anumang uri ng pagrarali.
Dito na nagkasubukan ang mga tauhan ng pulisya at raliyista. Sinimulan nang buwagin ang mga raliyista sa harap ng Edsa Shrine, binomba sila ng water cannon at unti-unting itinaboy. Bahagyang nagkaroon ng kaunting kaguluhan at tensyon hanggang sa magpasya ang grupo ng mga raliyista na umalis na lamang.
Inulan ng bato ang mga awtoridad habang tuluyan nilang itinataboy ang mga raliyista.
Isa-isa nang hinarang ng mga awtoridad ang mga nagtatangka pang grupo ng mga raliyista.
Nagkaroon ng arestuhan ng magpilit ang grupo ni UP Professor Randy David na makapasok sa Edsa.
Inaresto si David at ilan pang kasamahan nito.
Sa istratehiyang ipinatupad ng PNP, hindi nila pinayagang makaporma pa ang maraming mga raliyista kundi ang kanilang ginawa ay binuwag nila ang mga ito ng grupo sa grupo.
Samantala sa kabila naman nito, nagpasya naman ang mga raliyista na magtungo sa Makati City at doon na lamang makiisa sa isinasagawang pagdiriwang ng anibersaryo ng People Power Revolt.
Samantala, pinayagan na rin naman ng mga awtoridad na maisagawa ang maikling programa sa Makati City sa harap ng Ninoy Aquino Monument kung saan pinangunahan ito ni dating Pangulong Cory Aquino, ilang pulitiko rin ang dumalo sa Makati at ilan pang personalidad.
Aabot naman sa halos 4,000 mga tauhan ng pulisya at militar ang ipinakalat sa Kalakhang Maynila na siyang sumubaybay sa mga isinagawang kilos-protesta kahapon. (Joy Cantos, Edwin Balasa At Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am