Ret. police, 6 pa huli sa pagbili ng mga ninakaw
February 24, 2006 | 12:00am
Isang retiradong pulis sa Quezon City Police District (QCPD) na responsable sa pagbili ng mga grocery item ng mga shoplifter at anim pang galamay nito ang dinakip ng mga tauhan ng QCPD-District Intelligence and Investigation Division (QCPD-DIID) sa isang entrapment operation kahapon ng tanghali sa nasabing lungsod.
Nakilala ang mga dinakip na si ret. police Inspector Amado Ocampo, ng 5 Villa Beatriz, Old Balara, Quezon City; Mary Ann Gonzales, 30; Jelyn Morales, 25; Roger Cristobal, 30; Imelda Olivares, 28 at Lorna Aborno, 32.
Batay sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ni Supt. James Brillantes hepe ng QCPD-DIID, dakong ala-1 ng tanghali sa bahay mismo ni Ocampo kung saan isang pulis ang nagpanggap na buyer dala ang marked money na P1,000.
Agad na dinakma sina Ocampo at anim pa habang nagbebenta ng mga grocery items na kinabibilangan ng gatas, kape, shampoo. Nakuha din sa mga ito ang mga alak, plantsa, gamot at sabon. Nakuha rin sa bahay ni Ocampo ang tatlong kontador ng kuryente na pinaniniwalaang mga nakaw din.
Ayon kay Brillantes, nabiktima din ng grupo ang mga tiangge ng mga damit. Kahon-kahon din ang nabawi rito.
Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sina Ocampo at mga galamay nito. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended