^

Metro

3 BFP officials ipinaaaresto

-
Ipinag-utos kahapon ng isang judge ng Quezon City Regional Trial Court ang pag-aresto sa tatlong opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nahaharap ngayon sa kasong falsification of official documents.

Ang naturang kautusan ay ipinalabas ni Branch 76 Judge Alexander Balut matapos na mag-isyu ng warrant of arrest laban kina Senior Supt. Gil dela Paz, nakatalaga umano sa BFP National Headquarters; Supt. Danilo Ortiz ng Muntinlupa Fire Station at Chief Insp. Manuel Tembrevilla, deputy district fire marshal, BFP Personnel Division.

Batay sa record, pinalsipika umano ni dela Paz ang kanyang personal data sheet (PDS) matapos na ilagay dito na nagtapos siya ng Bachelor of Science in Commerce sa Manuel L. Quezon University mula 1971 hanggang 1982.

Subalit sa certification na ipinalabas ni Registrar Gregorio del Valle Jr. noong Setyembre 26, 2001, wala umano silang record na naging estudyante nila si dela Paz sa naturang unibersidad.

Samantala, idineklara naman ni Ortiz sa kanyang PDS na nagtapos siya sa Laguna Northwestern College sa kursong Bachelor of Science Major in Management mula 1985 hanggang 1990 at undergraduate sa Masters in Public Administration mula 1997 hanggang 1990.

Pinatunayan naman ng school registrar na si Milagros Malibay na wala silang estudyanteng nagngangalang Danilo Ortiz na nagtapos sa naturang kurso sa kanilang unibersidad.

Subalit kinontra naman ni Malibay ang unang sertipikasyon nito at sinasabing nagtapos si Ortiz sa kanilang unibersidad noong Marso 1996 at nag-aral ng masteral degree noong 1998-1999.

Sa kanyang counter-affidavit, binigyang-diin naman ni Ortiz na wala siyang isinusumite na anumang dokumento na nagsasaad na siya ay nagtapos sa naturang unibersidad.

Samantala, idineklara naman ni Tembrevilla sa kanyang PDS na siya ay nagtapos sa Ortañez University subalit ito ay pinabulaanan naman ng Commission on Higher Education.

Inirekomenda naman ng Office of the Ombudsman, na siyang nag-imbestiga sa kaso, ang piyansang P12,000 bawat isa para sa pansamantalang kalayaan ng mga akusado. (Doris Franche)

BACHELOR OF SCIENCE

BACHELOR OF SCIENCE MAJOR

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHIEF INSP

DANILO ORTIZ

DORIS FRANCHE

HIGHER EDUCATION

JUDGE ALEXANDER BALUT

LAGUNA NORTHWESTERN COLLEGE

ORTIZ

PAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with