^

Metro

EPD director sinibak na rin

-
Sinibak na rin sa puwesto bilang director ng Eastern Police District (EPD) si Chief Supt. Oscar Valenzuela dahil sa pagkakadiskubre sa shabu tiangge sa lugar na kanyang nasasakupan.

Ang kautusan ay galing mismo kay PNP chief Director General Arturo Lomibao dahil sa nakakahiyang sitwasyon ng pulisya sa pagkaka-raid sa Mapayapa Compound sa Brgy. Sto. Tomas sa Pasig kung saan naaresto sa loob nito ang may 312 katao at pagkakakumpiska sa mahigit sa isang kilo ng shabu at mga drug paraphernalias.

Si Chief Supt. Charlemagne Alejandrino na dating nakatalaga sa Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) kung saan deputy ito ni Chief Supt. Marcelo Ele Jr.

Sa panayam kay Valenzuela sinabi nitong maluwag naman niyang tinatanggap ang pagkakatanggal sa kanya sa puwesto. Magugunitang nauna nang sinibak sa puwesto ang chief of police sa Pasig City na si Supt. Raul Medina at ang hepe ng PCP 20, Brgy. Sto. Tomas na si Senior Inspector Salvador dela Cruz.

Dahil din sa pagsalakay sa drug den ay sasailalim sa re-training ang may 325 Pasig police. Ang turn-over ay itinakda ngayong araw na ito sa EPD hall sa Parancillo sa Pasig City dakong alas-9 ng umaga. (Edwin Balasa)

BRGY

CHARLEMAGNE ALEJANDRINO

CHIEF SUPT

DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT

MAPAYAPA COMPOUND

MARCELO ELE JR.

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with