^

Metro

148 nadakip sa shabu tiangge, kinasuhan

-
Sinampahan na ng kasong kriminal ng Department of Justice (DoJ) ang 148 akusado na nadakip kaugnay sa shabu tiangge sa Pasig City.

Sa ipinalabas na resolusyon ng DoJ, ang naturang mga akusado ay sinampahan ng kasong paglabag sa section 5,6,7, 11, 12 at 13 ng Republic Act No. 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Pasig Regional Trial Court.

Ang mga nabanggit na akusado ay dinakip dahil sa umano’y pagtatago, pagbebenta, pagmamantine at paggamit ng ilegal na droga.

Inirekomenda naman ng prosecution na hindi makapagpiyansa ang mga akusado na napatunayang sangkot sa pagpapanatili o pagmementina sa nasabing shabu tiangge.

Nabatid na 200 katao ang unang naaresto ng Anti-Illegal Drug Special Operation Task Force (AIDSOTF) ngunit 52 katao ang pinakawalan dahil sa wala umanong sapat na ebidensiya.

Ipinaliwanag ng prosecuting panel sa pangunguna ni State Prosecutor Marlette Balagtas at Elizabeth Derbal na mayroong matibay na ebidensiya laban sa mga naarestong akusado kung kaya’t agad isinulong ang nasabing kaso.

Una nang naaresto ang mga akusado noong nakalipas na Pebrero 10, 2006 sa isang compound sa F. Soriano St., Brgy. Sto. Tomas sa Pasig City.

Ang raid ay isinagawa sa bisa ng ipinalabas na search warrant ni QC RTC Executive Judge Natividad Giron-Dizon. (Grace Amargo dela Cruz)

DEPARTMENT OF JUSTICE

DRUG ACT

DRUG SPECIAL OPERATION TASK FORCE

ELIZABETH DERBAL

EXECUTIVE JUDGE NATIVIDAD GIRON-DIZON

GRACE AMARGO

PASIG CITY

PASIG REGIONAL TRIAL COURT

REPUBLIC ACT NO

SORIANO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with