^

Metro

Tindera ng gamot na pampalaglag, nadakma sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila

-
Pinaniniwalaang patuloy ang bentahan ng ilegal na gamot na pampalaglag sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila matapos na isang tindera na nagbebenta nito ang nadakip ng pulisya sa harapan mismo ng simbahan ng Quiapo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang nakakulong sa MPD-Station 3 (Sta. Cruz) ang suspect na si Carmen Miniano, may-asawa, vendor at naninirahan sa 1776 Area A-Camarin, Caloocan City.

Sa ulat ni Supt. Romulo Sapitula, hepe ng MPD-Station 3, dakong alas-4:00 ng hapon nang maaresto ang suspect sa gilid ng Mercury Drug Store sa Quezon Blvd., Quiapo.

Ang pagkakaaresto sa suspect ay bunsod ng impormasyong natanggap nina PO3 Calvin Capuno at PO2 Mark Anthony Vitales, kapwa nakatalaga sa Detective Beat Patrol ng Station 3 mula sa isang nagmamalasakit na ginang na ayaw magpakilala hinggil sa madalas na transaksiyon ng suspect sa pagbebenta ng gamot na pampalaglag.

Nagsagawa nang pagmamanman sina Capuno at Vitales at napansin ang suspect na may hawak na nakabalot na papel habang nakikipag-usap sa isang babae. Agad na nilapitan ng 2 pulis ang suspect at inatasang buksan ang hawak na nakabalot na papel, saglit itong tumanggi, subalit nang buksan ay nadiskubre ang apat na pirasong cytotec tablets.

Sinasabing ang cytotec tablets ay ginagamit na pain reliever, subalit nakilala ito bilang gamot sa pampalaglag.

Ikinukunsidera rin ng pulisya na ang ilegal at patagong pagbebenta ng cytotec ang dahilan ng madalas na pagkakatagpo ng mga patay na fetus sa lungsod ng Maynila. (Danilo Garcia)

AREA A-CAMARIN

CALOOCAN CITY

CALVIN CAPUNO

CARMEN MINIANO

DANILO GARCIA

DETECTIVE BEAT PATROL

DRUG STORE

MARK ANTHONY VITALES

MAYNILA

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with