^

Metro

Vendor tinodas ng kapwa vendor

-
Isang babaeng vendor ang iniulat na nasawi makaraang saksakin ito ng kanyang kasosyo sa negosyo dahil lamang sa pinagtalunang mga balat ng pinya, kahapon ng umaga sa Marikina City.

Hindi na umabot sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng isang saksak sa tagiliran ang biktimang si Rowena Jovan, 33, habang agad namang naaresto ng pulisya ang suspect na si Imelda Palero, 39, kasosyo nito sa pagtitinda ng pinya at kapwa naninirahan sa Nangka Ext. Brgy. Malanday ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5 :45 ng umaga habang nagbabalat ng pinya si Jovan sa loob ng nasabing bahay para itinda.

Sinita ng biktima ang suspect na pulutin ang mga nakakalat na balat ng pinya dahil nilalangaw ito subalit hindi sumunod ang huli.

Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo at pagkatapos ay nagkasabunutan. Hindi pa rito natapos nang kinuha ng suspect ang patalim na ginagamit niya sa pagbabalat ng pinya at sinaksak sa tagiliran ang biktima.

Kasalukuyang nakapiit sa Marikina detention cell ang suspect at inihahanda na ang kaso laban dito. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

BRGY

DAHIL

EDWIN BALASA

IMELDA PALERO

ISANG

JOVAN

MARIKINA CITY

NANGKA EXT

ROWENA JOVAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with