^

Metro

65-anyos na ina tinangkang halayin ng anak

-
Dahil sa impluwensiya ng droga sa utak, isang 48-anyos na anak ang inaresto makaraang tangkaing halayin ang kanyang 65-anyos na ina kahapon ng madaling-araw sa Malate, Maynila.

Kinilala ni Supt. Marcelino Pedrozo, hepe ng MPD-Station 9 ang suspect na si Reynaldo Magsubo, 43, at residente ng Leveriza St., Malate.

Sa imbestigasyon, naganap ang tangkang panghahalay dakong alas-4 ng madaling-araw sa loob ng kanilang bahay.

Nauna rito, nabatid na nakipag-inuman at gumamit ng droga ang suspect bago ito umuwi sa kanilang bahay.

Nabatid na inabutan nito ang 65-anyos na ina na nag-iigib ng tubig sa kanilang gripo na bigla nitong hinaltak at saka pinaghahalikan.

Nagawa pa umanong hubaran ng shorts ng suspect ang ina na nagsisigaw sanhi upang rumesponde ang mga miyembro ng barangay tanod sa lugar na umawat sa sabog na suspect.

Agad namang isinuko sa pulisya ng mga tanod ang suspect kung saan dito na ito nahimasmasan. Sinabi nito na hindi umano niya alam ang kanyang ginagawa at akala niya ay isang babae na nang-aakit sa kanya ang kanyang nakita.

Nabatid rin na kalalabas lamang sa rehabilitation center ng suspect at muling bumalik na naman sa bisyo.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspect. (Danilo Garcia)

DAHIL

DANILO GARCIA

INIHAHANDA

KINILALA

LEVERIZA ST.

MARCELINO PEDROZO

MAYNILA

NABATID

REYNALDO MAGSUBO

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with