Katawan ng obrero nahati sa sumabog na acetylene
February 14, 2006 | 12:00am
Nahati ang katawan ng isang obrero at tumilapon ito ng mahigit sa 10 metro nang masabugan ng isang acetylene, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente si Crisanto Oliverio, trabahador sa Caloocan Gas Corp. na pag-aari ng isang Martin Tiu sa Lleano Road, Brgy. Kaybiga, nabanggit na lungsod.
Sa inisyal na report ng Caloocan City Police, alas-10:30 ng umaga nang maganap ang pagsabog sa loob mismo ng compound ng naturang kompanya.
Nabatid na kasalukuyang may kinukumpuni ang biktima nang hindi nito mamalayang tumatagas ang tangke ng acetylene na kanyang ginagamit at ilang segundo pa ay sumambulat na ang tangke.
Dahil sa lakas ng pagsabog ay tumilapon ang biktima ng mahigit sa sampung metro at halos hindi rin mailarawan ang itsura nito dahil sa matinding pagkakasunog sanhi ng apoy na idinulot ng pagsabog. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended