^

Metro

Patay sa grenade explosion sa Tondo, 5 na

-
Umakyat na sa bilang na 5 ang mga nasawi sa naganap na grenade explosion noong Linggo ng hapon sa Tondo, Maynila.

Ito’y matapos na bumigay na rin ang isa pang sugatang lalaki na nasawi habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center na nakilalang si Roger Buhayan, 53, ng Gate 13, Parola Compound, Tondo Maynila.

Habang ang misis nitong si Consuelo, 50, na ginamot rin sa naturang ospital ay nalapatan ng lunas.

Magugunitang bukod kay Buhayan, nauna nang nasawi sina Eugene Cadelaza, 34; Alex Laniojan, 39; Randy Galoos, 21, at isang nakilala lamang sa alyas Toto.

Matatandaang isang granada na hawak ng isa sa mga nasawi ang sumabog sa gate ng 13 sa Parola Compound matapos na magtalo ang mga ito sa umano’y nakulimbat nila sa ilegal na operasyon sa panghoholdap na kanilang pinagpapartihan habang nag-iinuman.

Bukod sa mga nasawi, sampu pa ang nasugatan sa naturang pagsabog. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALEX LANIOJAN

BUHAYAN

BUKOD

DANILO GARCIA

EUGENE CADELAZA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

PAROLA COMPOUND

RANDY GALOOS

ROGER BUHAYAN

TONDO MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with