^

Metro

Pamangkin ni Gov. Espina todas sa carjack

-
Tuluyan nang binawian ng buhay habang ginagamot ang isang estudyante na pamangkin ni Guimaras Governor Gerry Espina matapos na barilin ng mga carjackers na umagaw ng kanyang sasakyan, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Nakilala ang nasawi na si Richard Capili, 19, ng No. 12 Inner Circle St., NSA, BF Homes, Parañaque City. Hindi na naisalba pa ang buhay nito habang ginagamot sa Parañaque Medical Center makaraang magtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t bang bahagi ng katawan.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect matapos ang matagumpay na pang-aagaw sa sasakyan ni Capili.

Sa ulat ni Chief Inspector Ramon Bergonio, ng Parañaque Police, dakong alas-6 ng gabi kamakalawa nang maganap ang insidente sa parking lot ng isang mall na matatagpuan sa may panulukan ng President Avenue at Gil Puyat sa B.F. Homes ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon, lulan ng kulay itim na Toyota Revo na may plakang WRY-883 si Capili na nakaparada sa nasabing lugar nang bigla siyang lapitan ng isang lalaki at pilit na inaagaw sa kanya ang sasakyan.

Pumalag ang biktima at tumanggi na ibigay ang kanyang sasakyan dahilan upang ratratin ito ng mga suspect.

Hinala ng mga suspect pababa sa sasakyan ang duguang biktima at saka tuluyang kinuha ang Revo na ginamit sa kanilang pagtakas.

Nabatid na hinihintay ni Capili ang kapatid nitong babae na kasalukuyang namimili sa loob ng mall nang maganap ang insidente.

Isang manhunt operation naman ang inilunsad ng mga awtoridad laban sa mga suspect. (Ludy Bermudo)

CAPILI

CHIEF INSPECTOR RAMON BERGONIO

GIL PUYAT

GUIMARAS GOVERNOR GERRY ESPINA

INNER CIRCLE ST.

LUDY BERMUDO

MEDICAL CENTER

PRESIDENT AVENUE

RICHARD CAPILI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with