^

Metro

V-day alert itinaas

-
Limandaang pulis ang ipapakalat ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng ipapatupad na ‘high state of vigilance’ kaugnay ng unang taong anibersaryo ng madugong Valentine’s day bombing ngayong araw sa bansa partikular sa Metro Manila.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Vidal Querol na bagaman walang banta ng terror attack ngayong ‘Araw ng mga Puso’ ay ipapatupad pa rin nila ang mahigpit na seguridad para tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Ayon kay Querol, ligtas sa kanilang mga date ang mga magsing-irog kaya walang dapat na ipangamba ang mga ito na baka umatake ang mga teroristang grupo.

Kasabay nito, ayon kay Querol ay magpapakalat siya ng 500 karagdagang mga pulis sa mga matataong lugar na itinuturing na ‘soft targets’ ng terrorist attacks.

Sinabi pa nito na partikular na magpapatrulya ang mga pulis sa mga matataong lugar tulad ng mga malls, terminal ng bus, barko, daungan, paliparan, MRT, LRT at mga restaurants.

Nitong nakaraang linggo ay personal na nagsagawa ng inspeksyon si Querol sa pinansiyal na distrito ng Makati City.

Tumanggi naman si Querol na kumpirmahin o itanggi ang pahayag ni Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco na ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na may ugnayan sa Al Qaeda ay may planong ulitin ang madugong Valentine’s day bombing noong Pebrero 14, 2005 sa mga lungsod ng Makati, General Santos at Davao na ikinasawi ng 8 katao habang marami pa ang nasugatan.

Samantalang dalawang ASG at isang Indonesian Jemaah Islamiyah bomber na si Rohmat, alyas Zaki ang nasentensiyahan ng kamatayan noong huling bahagi ng 2005 dahilan sa Makati V-day bombing. (Joy Cantos at may dagdag na report ni Ludy Bermudo)

ABU SAYYAF GROUP

AL QAEDA

CAMP CRAME

DIRECTOR VIDAL QUEROL

GENERAL SANTOS

INDONESIAN JEMAAH ISLAMIYAH

JOY CANTOS

LUDY BERMUDO

QUEROL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with