^

Metro

50 centavos fare discount, tuloy

-
Tiniyak kahapon ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Alliance of Transport Operators Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) at Makati Jeepney Operators Drivers Association (MJODA) na tuloy pa rin ang kanilang pagbibigay ng 50 centavos diskuwento sa pasahe kahit na nagtaas ng 50 centavos ang presyo ng diesel.

Ayon kay Zenaida Maranan, hindi sila maaapektuhan ng panibagong increase ng diesel taliwas sa pahayag ng ilang transport group na hindi raw makatwiran ang rollback ng pasahe hanggang sa Pebrero 17, 2006.

Aniya, hindi totoong umaalma ang mga tsuper sa ipinatutupad na isang linggong fare discount bagkus sa isang konsultasyon na ginawa ng Fejodap ay natutuwa pa ang kanilang mga miyembro dahil nakatulong sila sa mga commuters.

Kahapon ay sinimulan na ng mga jeepney transport groups ang kanilang motorcade sa Metro Manila upang ipabatid sa publiko ang kanilang medical mission sa darating na Sabado. Ang fare discount ng jeepney at medical mission ay bahagi ng kanilang pagdiriwang sa "Jeepney Week" na nagsimula noong Pebrero 10 at magtatapos sa Pebrero 17. (Doris Franche)

ANIYA

AYON

DORIS FRANCHE

DRIVERS ASSOCIATION

DRIVERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

FEJODAP

JEEPNEY WEEK

METRO MANILA

PEBRERO

ZENAIDA MARANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with