^

Metro

44-katao inaresto sa saturation drive

-
Apatnapu’t apat katao ang inaresto ng pamunuan ng Manila Police District (MPD)-Station 3 sa isinagawang saturation drive sa ilang lugar sa Quiapo, Manila, kahapon ng umaga.

Sa report ni Supt. Romulo Sapitula, hepe ng MPD-Station 3, dakong alas-5 ng umaga nang isagawa ang pagsalakay sa kapaligiran ng Basan, Carlos Palanca, Hidalgo at Evangelista Sts. sa Quiapo.

Ang pagsalakay sa nabanggit na lugar ay bunsod sa patuloy na isinusulong na anti-crime operation ng pulisya upang masugpo ang kriminal elements.

Sa 44-katao na inaresto, 21 dito ay sinampahan ng kasong paglabag sa vagrancy habang ang natitira ay isinumite ang kanilang pangalan para sa "character verification" na isasagawa ng MPD-Criminal Record and Investigation Division (CRID). (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

APATNAPU

CARLOS PALANCA

CRIMINAL RECORD AND INVESTIGATION DIVISION

EVANGELISTA STS

GEMMA AMARGO-GARCIA

INARESTO

KATAO

MANILA POLICE DISTRICT

MPD

ROMULO SAPITULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with