^

Metro

Parak kritikal sa holdap

-
Kritikal sa pagamutan ang isang pulis-CPD makaraang manlaban ito sa tatlong holdaper at agawan ng service firearm ang una, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Ang biktimang si SPO4 Teodoro Lazo, 51, nakatalaga sa Central Police District (CPD) at residente ng Block 16, Lot 11, Phase 2, Area 3, Dalagang Bukid St., Malabon City ay patuloy pang inoobserbahan sa Chinese General Hospital sanhi ng mga malalim na tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa C-3 Road, Sawata St., Caloocan City. Nabatid na kasalukuyang sakay ng kanyang kotse ang biktima nang bigla itong maubusan ng gasoline sa nabanggit na lugar.

Agad na bumaba ang biktima bitbit ang isang container para bumil ng gasoline sa kalapit na gasoline station. Nang bumalik umano ang biktima sa kanyang kotse ay nakaabang na sa kanya ang tatlong holdaper na pawang armado ng patalim na agad na nagdeklara ng holdap.

Pilit na nanlaban ang biktima ngunit pinagsasaksak ito ng mga suspect at inagaw sa una ang kanyang 9mm service firearm. Duguang iniwan ng mga tumakas na suspect ang biktima na agad namang dinala sa nabanggit na pagamutan ng mga nagmalasakit na motorista. (Rose Tamayo)

vuukle comment

BATAY

CALOOCAN CITY

CENTRAL POLICE DISTRICT

CHINESE GENERAL HOSPITAL

DALAGANG BUKID ST.

DUGUANG

MALABON CITY

ROSE TAMAYO

SAWATA ST.

TEODORO LAZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with