^

Metro

16-anyos patay sa rambol

-
Isang 16-anyos na binatilyo ang nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati matapos barilin ng isa sa miyembro ng kalabang grupo sa Makati City sa ulat kahapon. Ang biktima ay kinilalang si Jaime Lotica, ng 4817 Solchuaga St., Brgy. Singkamas, Makati City. Isa lamang sa grupo ng kabataang nakaaway ni Lotica ang kinilala sa pangalang Aries Camanero, na agad ding tumakas matapos ang pamamaril. Sa ulat ni PO2 Jason David ng Makati City Police, alas-11:45 ng gabi, kamakalawa nang magtagpo ang dalawang magkalabang grupo na pinaniniwalaang mga miyembro ng fraternities, sa kahabaan ng Solchuaga St. ng naturang lungsod. Ang biktima at mga kasamahang kabataang lalaki na matagal nang kalaban ang kabilang grupo ay bigla umanong dumating sa lugar ng biktima at nagsimula ang rambulan. Hindi nagtagal ay nagsialisan ang kalabang grupo subalit ilang sandali lamang ay niresbakan ni Camanero ang biktima sakay ng isang motorsiklo. May kaangkas na 2 hindi nakilalang lalaki ito at biglang niratrat ang biktima. Matapos ang pamamaril ay humarurot patakas ang mga suspect dala ang umano’y gamit na .38 kalibre na baril. Nabatid din na hindi na nagawang isalba ng manggagamot ang biktima dahil naubusan na umano ito ng dugo. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ARIES CAMANERO

BIKTIMA

BRGY

CAMANERO

JAIME LOTICA

JASON DAVID

LUDY BERMUDO

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

SOLCHUAGA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with