^

Metro

Paaralan binulabog ng bomb threat

-
Pansamantalang nahinto ang pag-aaral ng mahigit sa limang libong estudyante sa isang pampublikong paaralan sa lungsod ng Caloocan matapos na makatanggap ng tawag na may bombang sasabog dito, kahapon ng umaga.

Dahil dito, agad na pinalabas ang mga estudyante para matiyak ang kanilang kaligtasan, ayon kay Milagros Dizon, administrative officer sa Macario B. Asistio High School.

Ayon sa ulat, isang caller na boses bakla ang tumawag sa paaralan dakong alas-11:35 ng umaga na natanggap naman ni Ariel de Torres, clerk sa paaralan na nagsabing may bombang nakatanim sa may library ng eskuwelahan at anumang oras ay sasabog.

Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng SWAT subalit makalipas ang mahigit sa dalawang oras na pag-iinspeksyon sa lugar ay walang nakuhang anumang bomba. Hindi mabatid ng pulisya kung bakit mga paaralan ngayon ang napagkakatuwaang bulabugin ng mga bomb threat. (Ricky Tulipat)

ASISTIO HIGH SCHOOL

AYON

CALOOCAN

DAHIL

MACARIO B

MILAGROS DIZON

PAARALAN

PANSAMANTALANG

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with